Monday, May 08, 2006

tinatamad akong mag post..

nauubusan na ako ng bagay bagay na pwedeng isulat..mg kkwento nalang ako in random kasi wala akong ginagawa ngayun..

nung friday inabot ako ng madaling araw sa kakalaro ng counterstrike..anubayan..parang akong bumalik ng college..tapos kumain ng quarterpounder sa mcdo pgkatapos..akalain ko ba namang nakakagutom din pala yung counterstrike kahit nakaupo ka lang habang nglalaro..salamat kay king barista sa libreng burger.

buti naman at nagising ako sa sabado kasi may trabaho sa umaga..grabe..buti nga nakatulog na ako habang di pa sumikat yung araw kung di ang dyahe ng pakiramdam..

bangag ako sa sabado..kulang sa tulog..ng practice sa hapon tapos kumain sa causeway sa gabi..maraming salamat aimee sa libre..

kumanta ng communion song sa sunday pero medyo na dismaya kasi nawala sa bilang yung pianista..nanghihinayang ako kasi nakailang practice din yun..oh well..that's life..hehehe..

nanood ng mi-3 sa rockwell sa hapon..masaya yung palabas. walang bidang namatay. yey! kumain sa breadtalk..first time..masarap yung tinapay na may palaman pero mahal..

tapos bumalik na sa jubilee..nag dinner sa causeway ulit kasama si mimi..ang labo ng lasa ng seafood roll..nag grocery pgkatapos..bumili ng nestea at c2..tapos umuwi na..natulog at muntik nanag di magising para sa trabaho ngayung araw..

kelangang mag withdrawal sa paglalaro ng counterstrike..kelangang makabenta ng gamit pang gig..kelangang mag aral para sa board exam..madaming kelangang gawin..pero di ako naprapraning..masaya pa rin ang buhay..parang ang labo na ng mga pinagsasabi ko..ok lang..kasi random nga..

di pa ako ng lunch..nag cracrave ako ng fried chicken..alam ko meron sa baba..maka baba na nga..

may meeting maya sa execom ng church..hula ko chicken din yung dinner. hehehe..

natutuwa ako sa trabaho ko ngayun..hindi dahil sa walang ginagawa..meron akong ginagawa..naka 5-minute break lang ako..nakakatuwa kasi nakakapunta punta ako ng lugar..di lang naka istambay sa office at ng papainit ng pwet.

kelangan ko na kunin yung labada ko sa tagalaba..almost 3 weeks nang andun.

kelan kaya yung next gig?

kelan kaya ako makakapag beach?

batu bato sa langit ang tamaan pangit..