Thursday, August 31, 2006

pics from cdo.

ayan ..pik chur pikchur haha!

Thursday, August 24, 2006

one happy trip

i thought it'd be a good time to go home last weekend because of the airfare promos and besides there ain't much stuff to be done at work, and it's probably a good time to check out what's happenin' in that city (business stuff)

so i went home. i found out that they were gonna celebrate the twins' birthday last sunday so tiniempuhan ko na :D i susurprise ko sila hehe..

so ayun..cab to airport-fly to airport-cab to house (got home at almost 7pm). then, SEPLAYS! i didn't exactly get a "whoa" look from the folks when they saw me..dun kami ng mana eh..straight face pa rin pag na surprise pero laki ng tuwa sa loob hehehe :D wow! the whole gang was there! and of course THE FOOD--the lechon, the dinuguan, the hipon, the kinilaw, the ensaladang mangga, the manggo sago, the bisayang manok adobo, the kan-on, the kok en di isprayt alrayt!!

always nice getting together with close relatives once in awhile..my uncles are teasing my mom that i probably went home coz 'may tinatakasan ako dito sa maynila' o kaya 'mgbabalitang mgpapakasal na ako' ..tingin ko mas pwede pa yung una eh. kami namang mag pipinsan catching up on each other's lives--yung isa, career path pinag usapan, sa isa naman tugtugan, sa isa pa business venture, etc...sari-saring kwentuhan hehe..

anyway kwento ko nalang kung anu yung mga pinag gagawa ko sa tatlong araw na andun ako:

monday: HOLIDAY. si papa patawa. di alam na half day lang pala sila. so pumunta pang office pgkatapos mg lunch at bumalik rin. pumunta kaming mall at nanood ng click. pambihira naluha ako dun a..buti nalang madilim..di naman ako humagulgol. ng chinese choir practice si karen at si papa at pgkatapos nilibre ako ni tatay bandang 9pm sa country steakhouse. pinatikim nya ako ng ostrich steak..masarap pala! parang baka na mas malambot! tarap.

tuesday: bahay lang ng umaga..nag internet at nag isip ng blog layout sample para sa pinsan ko-- stickymediasolutions.com tapos nag drive para kay mama papuntang bangko at cepalco (electric company) sa hapon. dinaanan ko yung pinsan ko pagkatapos at tiningnan namin yung space na lilipatan nila ng office. nilibre nya ako ng kape at pinag usapan kung anu yung kelangan at kung ganu katagal bago sila makalipat. medyo nagulat sila sa pinagsasabi ko kasi la rin silang idea na 'ganun' pala hehe..

sa gabi naman, ng attend kami ng graduation ni papa sa pagtapos ng BTCP(bible/biblical training course for pastors). ewan ko kung tama meaning nun basta nakasuot pa sila ng toga at may certificate sila hehe..pwede na daw silang tawaging pastor kasi lagpas 2 years din yung course na yun..hala..so PK na rin ako?--pasaway kid? pastor's kaka? nyehehe. ayun..KAINAN na naman!!

pgkatapos nun hinatid ko si karen sa prayer meeting at nakitambay din ako sandali..may bago silang kasama na medyo cute hehe..yun lang :D di na ako nag tagal kasi nimeet ko pa si pareng chiristian sa coffeeshop..ngkwentuhan lang kami..di na rin kami inabot ng madaling araw kasi may trabaho pa kinabukasan ata natatae na ko. (dahil sa espresso frocinno na ininom ko ng hapon)..

wednesday:huling araw ko na. ng lunch kaming mgkaklase nung highskul pero lima lang kami kasi yung iba out of town..yung iba out of reach hehe..tawanan sessions nanaman. kasama namin yung isa naming kaklase na doctor na at ayaw maniwala na bumagsak ako ng boards exam..sarap tusukin ng tinidor. tapos nag ikot sandali sa mall tapos. umalis na rin..nag pikchur pikchur ako ng mga tanawin sa cagayan para sa project ni abing..eh andun na rin ako eh. binalak namin ni christian na puntahan yung mismong starting point ng white water rafting pero dahil nawala yung sign, di maalala ng 'magaling' kong navigator kung nasan na yun..umabot pa kami ng malapit lapit na parte ng bukidnon pambihira hehe.

nag prayer meeting kami pagkatapos ng 'joyride' tas kumain ng hapunan kasama ang pamilya. sarap chicken inasal :D nung busog na kami, pinuntahan pa namin si fred saka si sep at iba pang churchmates sa wallclimbing venue. dapat tatambay lang ako dun at panoorin silang umakyat..but no..bigla akong nangati sa pag akyat kaya umakyat na rin ako--in polo shirt, jeans and tsinelas!..bwiset ang hirap umakyat pag mali ang bihis mo at lalo na kung wala kang practice..kaya ngayun, nangangawit ang buong katawan ko. kelangan ko ata ng salon pas. hehehe.

thursday: back to manila. kulang ng tulog. pagod na ako mag type.may practice pa maya. ayus..

cguro ang byaheng ito ang isa sa mga highlights ng taong 'to..medyo mabigat yung ginastos ko pag uwi pero sobrang nasulit kasi alam kong masayang masaya sila na umuwi ako :D kahit na di nila sinasabi, i can feel it wahaha! (feeling mo talaga kax.) masasabi ko cgurong i was being a good son by taking the time and effort to go home :D

at sabi nga ni God pag unselfish yung deed mo, pag papalahin ka talaga...totoo yun..alam nyo bakit? may chekeng inabot sa akin kaninang umaga. naLIBRE yung roundtrip ticket ko bigla.

ayus.

Friday, August 18, 2006

alay kay penny..



si penny.
ang kyut kyut mo talaga.
kahit ika'y mas matanda pa sa akin,
kay ganda mo pa rin.

walanghiya ka lang minsan
dahil ang laki ng gastusin
pag ang frets moy napudpod
o kaya'y ang kwerdas kinakalawang.

12 years nang dumaan
best friends pa rin tayo :)
kahit na minsa'y di kita pinapansin
(dahil sa chix)
di mo pa rin ako iniwan.
(kasi di ka buhay)

ang labo ng tulang ito
wala sa bilang at di gaanong pinag isipan
penny, ok lang
di mo rin naman naiintindihan.

ayan nakilala ka na rin nila
bilang gitara ni kaka
sa gitna ng kahirapan
tuloy ang tugtugan.


mwehehehehehe.




Wednesday, August 16, 2006

you...

you..................there....ehehe

i talked to God last night. i asked Him if i'd be good enough for you. i ask God that same question every night before i hit dreamstate. "could she be the one for me Lord?"(assuming He's got that plan for me hehe)...sometimes i wonder why i ask Him that. i'm not planning on being your guy now or somebody else's..not even soon..i don't know. i guess these 'God and me on lovelife' conversations just come up when i'm falling for somebody.

oh yeah, i'm falling for you. hard. you make me smile like stupid. i get lost whenever you give 'that' look.(the look that says 'hi' in the cutest way).


sigh..i just need to let this out. so i'd feel better..nako nako aynako.

so like i said, i'd have a chat with Big Daddy again tonight. no rush for answers to some questions so it's ok to fall asleep. =)

twinkle twinkle li'l star, wonder if i'd get that far...

Saturday, August 12, 2006

1. In one sentence, explain what ended your
last relationship:
--- personality mismatch hehe

2. What made you smile today?
--- nagising ako for work today kahit umaga na ako natulog! haha

3. What were you doing this morning at 8
a.m.?
-- i woke up.

4. What were you doing 15 minutes ago?
--- check friendster and mail and philmusic.com

5. Something that happened to you in 1985?
--- i went to kindergarten and i turned 5 :D

6. Your prom night?
--- partner ko crush ko pero my outifit sucked..it was like chopsuey
kasi hiram lang lahat.


7. Last thing someone else said to you?
--- di ko maalala

8. What was your answer?
--- hehe lang..

9. Worst thing currently on television:
--- sa piling mo teleserye.

10. What was in the mail today?
--- replies and job opportunities

11. How many different beverages have you
drank today?
--- i haven't drank anything yet..gotta get some water now.

12. What is your favorite part of the day?
--- 5:00 pm..the time when i start to plan how to go about my activities
after work hours :D


13. Your current To-do list?
--- assess life, make songs, record songs, jam like there's no tomorrow.

14. Where is your best friend right now?
--- no best friend..close frineds dami..cagayan, manila.

15. What color is your toothbrush?
--- blue body with white and blue bristles

16. What is out your back door?
--- sampayan

17. Any plans for Friday night?
--- friday just passed..for next week, worship team rehearsals

18. Least favorite place to shop?
--- greenhills.

19. things you bought today?
--- wala pa

20. Last gift you received?
--- teka..isip..ah! nestle souvenir and guitar pick from tij! haha

21. Who gave you that?
--- tij.

22. What makes you sad today?
--- nothing :)

23. What can make you happy?
--- food, mama elsa sessions, jam trip, at kung may load yung isa =)

24. Beautiful is:
--- a tobacco sunburst finish, a good pedal setup, a buhaghag hair,
an ate at odds.com haha!


25. Describe your keychain:
--- caltex.

26. Where do you keep your change?
--- pocket and a cup at the pc table.

28. Are you happy with your life?
--- yeah..

29. What are you thinking now?
--- acoustic jam at 2pm..and more..ehehe

30. Person you trusted the most?
--- dami akong pinagkakatiwalaang tao.

31. Last rainbow you saw?
--- ewan....

32. Something you are excited about?
--- indonesia mission jam trip..sana matuloy talga to..praise nyt

33. What makes you excited?
--- the waiting game mwehehehe =p and of course tugtugan..
bisyo na yan.


34. Are you inlove?
--- wag dito..

35. Places you want to be with your special
someone?
--- quiet white beach, quiet open soccer field, quiet coffeeshop, quiet somewheres.

Thursday, August 03, 2006

11 jambo kidz first gig


the 11jambo kidz (composed of mot, kax, koy, ron & jas) had their first kickoff gig in yas neri's debut. the setup was good. the performance wasn't that clean but it sure was fun. we were the only ones there who wore jeans and sneakers. much more comfy to play in that getup :)

penny gave up her g-string at the end of a song (hmm..this doesn't sound quite right haha) but good thing i was able to tune 'er up between the songs.

food was good :) didn't have desserts except buko pandan coz my tummy might start a revolution hehe..

had a few pictures with friends--performance shots, group shots, body shots (ay! la pala..)

'twas a night to remember..a special day with special people, special somebody wek wek wek...a good way to end a rainy saturday :)